Dakong alas 12:21 ng umaga nitong Abril 8, 2024, isang babaeng tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan ng RPDEU (lead unit), katuwang ang mga tauhan ng Labo MPS, PPDEU, at CNPIU, na isinagawa sa Purok 1, Barangay Kalamunding, Labo, Camarines Norte.
Ang nahuling suspek ay kinilalang si alyas “ANA”, 51 taong gulang, at residente ng Blk 15-A Baseco, Port Area, Manila, NCR. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang 225 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may kabuuang halaga na Php1,530,000.00.
Samantala, ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.


Source: CNPPO PIO