Sa pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted person, naaresto ng mga kapulisan ng Sta. Elena PNP (lead unit) sa pangunguna ni PMAJ NORWEN ABELIDA, Acting Chief of Police, kasama ang CNPIU, CIDG Cordillera, CIDG PRO5, CIDG CamNorte, RSOU, Special Project Group DILG sa ilalim ng pangkalahatang pangangasiwa at superbisyon ni PCOL JOSELITO E VILLAROSA, JR, Provincial Director, ang isang lalaking nakatala bilang National Most Wanted Person nitong Abril 8, 2024 dakong alas 8:20 ng gabi sa Purok 1, Brgy. Bulala, Sta. Elena, Camarines Norte.
Ang akusado ay may nakapatong na Php100,000.00 bilang pabuya at kinilala sa alyas na “KARDO”, 58 anyos, binata, isang construction worker at residente ng nasambit na lugar.
Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention sa ilalim ng Criminal Case Number 15391-R na may petsang June 3, 1998, na inisyu ni HON. RUBEN C. AYSON, Judge, RTC Branch 6, Baguio City at walang rekomendadong piyansa.
Sa kasalukuyan, ang naarestong akusado ay nasa kostudiya ng Sta Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO