LALAKING NAARESTO PARA SA PAGLABAG SA PD 449 (Illegal Cockfighting), NAKUHAAN NG ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG LABO

LALAKING NAARESTO PARA SA PAGLABAG SA PD 449 (Illegal Cockfighting), NAKUHAAN NG ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG LABO

Isang lalaki na naaresto para sa kasong paglabag sa P.D. 449 o Illegal Cockfighting (Tupada) ng otoridad at nakuhaan ng iligal na droga nito lamang Abril 10, 2024 bandang alas 4:40 ng hapon sa P-5, Brgy. San Antonio, Labo, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si alias “AL”, 41 taong gulang, at residente ng Purok-5, Brgy. Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, diumano ay naaresto ang suspek ng mga kapulisan ng Labo MPS katuwang ng mga operatiba ng CNPIU at 2nd CNPMFC matapos na maaktuhang nagsasagawa ng iligal na sabong na kilala sa tawag na tupada. Nakumpiska rito ang 1 panabong na manok, tari at perang pamusta na nagkakahalaga ng Php1,100.00. Matapos ang pag-aresto, nakuhaan rin ang nabanggit na suspek ng 3 piraso ng maliliit na plastik na pakete ng hinihinalang shabu na nakasilid sa isang (1) kulay pulang kaha ng sigarilyo na may tatak na Winston (nakalagay sa kanang bulsa ng shorts) ng ito ay sumailalim sa body search na isinagawa ng arresting officer. Nasamsam ang nasa humigit kumulang 0.39 gramo ng iligal na droga na may katumbas na halaga na Php2,652.00.

Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng Labo MPS ang nabanggit na suspek para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng karampatang reklamo.