TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA TIMBOG SA BUYBUST OPERATION

TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA TIMBOG SA BUYBUST OPERATION

Naging matagumpay ang ikinasang buybust operation ng mga operatiba ng Jose Panganiban MPS,  CNPIU, CNPDEU, PHPT Cam Norte, at RPDEU matapos na magpositibo ang ikinasang drug buy-bust operation dakong 10:50 ng gabi nitong Abril 14, 2024 sa Purok 4, Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Naaresto ang suspek na kinilala sa alyas na  ‘’Mando’’, 52 taong gulang,  at residente ng P-4, Brgy Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte. Nasamsam ang nasa 8.70 gramo ng hinihinalang iligal na droga (shabu)na may katumbas na halagang nasa Php 59,160.00.

Samantala, ang akusado ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Jose Panganiban MPS kasama ng mga nasamsam na ebidensya para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO