2 AKUSADO NA NAKATALA BILANG REGIONAL AT MOST WANTED PERSON, ARESTADO NG KAPULISAN

2 AKUSADO NA NAKATALA BILANG REGIONAL AT MOST WANTED PERSON, ARESTADO NG KAPULISAN

Dakong alas 7:00 ng umaga, nitong Abril 22, 2024 nang maaresto ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS katuwang ang mga operatiba ng CNPIU at 2nd PMFC ang isang lalaking akusado na nakatala bilang Ranked 5 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Jose Panganiban.
Ang nasabing akusado ay kinilalang si alyas “LANDO”, 52 taong gulang, at residente ng Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte. Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest order para sa kasong Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 33159 na ipinalabas ng Hon. Rene Morallo De La Cruz, Presiding Judge ng RTC Branch 5, Family Court, Daet, Camarines Norte noong Abril 3, 2024 at walang rekomendadong piyansa.

Isa namang Ranked 4 Regional Most Wanted Person ang napasakamay ng kapulisan na kinabibilangan ng Capalonga MPS (Lead Unit), katuwang ang RIU5 Cam Norte, CIDG Camarines Norte PFU, CNPIU, at CN2ndPMFC sa Purok-6, Brgy. Magsaysay, Capalonga, Camarines Norte dakong alas 10:00 ng umaga, nito lamang Abril 22, 2024. Inaresto si alias JO, 37 anyos na residente ng Purok-6, Brgy. Magsaysay, Capalonga, Camarines Norte sa bisa ng warrant of arrest order Murder (Article 248 of RPC) sa ilalim ng Criminal Case No. 23-4640 na may petsang November 24, 2023 na ipinalabas ni Hon. Judge Cornelio M Roll, Acting Presiding Judge of RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte at walang rekomendadong piyansa.

Samantala, ang mga nabanggit na personahe ay nasa kustodiya na ng mga umarestong himpilan  para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO