Arestado ang isang lalaking akusado para sa kasong panggagahasa na nakatala sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Daet sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa pangunguna ng Daet MPS, at CIDG Cam Norte PFU sa Purok 5, Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte nitong alas 8:15 ng gabi nitong Abril 24, 2024.
Kinilala ang naaresto na si alyas “LITO”, 73 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Purok 5, Brgy Calasgasan, Daet, Camarines Norte. Ang nasabing akusado ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Rape na may Criminal Case No. 33170 na ipinalabas ni Hon. Rene Morallo Dela Cruz, Presiding Judge of Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 5, Daet, Camarines Norte na may petsang April 23, 2024 at walang rekomendadong piyansa.
Samantala, ang nabanggit na akusado ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO