Huli sa ikinasang drug buy-bust operation ng Sta. Elena MPS ang isang lalaki na tulak umano ng iligal na droga dakong 9:10 ng gabi nito lamang Abril 26, 2024 sa Purok-5, Brgy. Bulala, Sta. Elena, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “Jay-Ar” 48 taong gulang, may asawa, isang tricycle driver at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit lugar.
Naaresto ang suspek matapos na makabili dito ang itinalagang poseur buyer ng grupo ng isang (1) maliit na pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust item). Samantala, isa (1) pang medium sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa pangangalaga nito. Ang mga nakuhang ebidensya ay may hindi pa matukoy na bigat at halaga.
Ang naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na ang reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban dito.


Source: CNPPO PIO