Nitong ika-28 ng Abril taong 2024, dakong alas 10:55 ng gabi, ang mga tauhan ng Labo Municipal Police Station (lead unit), kasama ang CNPPO-PPDEU/PIU at ang 2nd PMFC, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL AUGUSTO A MANILA, Acting Chief of Police, at sa pakikipag ugnayan sa PDEA ROV ay nag sagawa ng isang buy-bust operation kontra iligal na droga sa P-3, Barangay Kalamunding, Labo, Camarines Norte na nag resulta sa pagkaka huli sa isang menor de edad.
Ang nahuli ay kinilalang si alyas “TOBY” isang menor de edad, binata at residente ng bayan ng Labo, Camarines Norte. Samantala, nakuha sa operasyon ang isang (1) piraso ng katamtamang laki na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu” bilang buy-bust item. Maliban dito ay nakuhaan pa ng dalawang (2) piraso na katamtamang laki ng selyadong plastic na pakete na pinaghihinalaang “shabu”. Bukod pa dun ay nakuhaan din sya ng isang (1) piraso ng limang daang piso (Php500) (buy-bust money).
Ang nahuling personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.
“Sa mga nagbebenta at gumagamit pa ng ipinagbabawal na gamot, ang inyong kapulisan ay hindi titigil upang wakasan ang laban sa illegal na pagpapakalat at paggamit ng droga, na syang sumisira sa kinabukasan ng ating mga kababayan”-PLTCOL AUGUSTO A MANILA’’

Source: Labo MPS