ISA NA NAMANG MIYEMBRO NG COMMUNIST TERRORIST GROUP (CTG), BOLUNTARYONG SUMUKO SA PULISYA

ISA NA NAMANG MIYEMBRO NG COMMUNIST TERRORIST GROUP (CTG), BOLUNTARYONG SUMUKO SA PULISYA

Nitong Mayo 8, 2024 sa ganap na 5:45 ng hapon ay boluntaryong sumuko sa mga tauhan ng CN 2nd PMFC, Labo MPS,  Capalonga MPS, CN-PIU at 503rd RMFB 5 ang isang miyembro ng CTG.


Ang nasabing personahe ay kinilala sa alyas na “Ka Berto” 32 taong gulang, binata at residente ng Brgy. Alayao, Capalonga, Camarines Norte. Siya ay miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) sa ilalim ng pamumuno ni Jaime Velasco alyas “Ka Senen” ng LP1 KP1 ng Armando Catapia Command. Ang nasambit na teroristang grupo ay nagsasagawa ng kanilang  operasyon sa mga munisipalidad ng Labo, Capalonga at Jose Panganiban.

Ayon sa ulat, ang pagsuko ng nasabing dating rebelde ay resulta ng walang tigil na aktibidad ng PNP at AFP Community Support Program (CSP).

Kasabay ng kanyang pagsuko ay boluntaryo nya ding isinuko ang kanyang mga armas sa pakikipaglaban kontra gobyerno, tulad ng baril, mga bala at iab’t ibang kagamitan sa pampasabog.

Ang mga isinukong kagamitan ay nasa kustodiya ng Labo MPS, samantalang ang sumukong miyembro ng CTG ay nasa kustodiya ng 2nd CNPMFC para sa kaukulang disposisyon.

Sasailalim naman ito sa “debriefing sessions” bilang bahagi ng Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.

Source: CNPPO PIO