Alas 11:50 ng gabi nitong Mayo 9, 2024, nang magsagawa ng drug buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng kapulisan ng PDEU, Daet MPS, CNPIU at CN 1st PMFC sa Purok 1, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte.
Huli sa operasyon ang tulakumano ng iligal na droga na kinilala sa alyas na “ONAD”, 43 taong gulang, binata, at residente ng nasambit na lugar. Ang suspek ay kabilang sa listahan ng PNP Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs Level/HVI. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang nasa milyong halaga ng hinihinalang shabu.
Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Daet MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.
Source: CNPPO PIO