Dakong alas 3:00 ng hapon nitong Mayo 13, 2024, nang maaresto ng mga kapulisan ang isang lalaking nakatala bilang Rank 2 Municipal Most Wanted Person sa Bayan ng Paracale sa Brgy. Batobalani, Paracale Camarines Norte
Kinilala ang suspek sa alyas na “Win”, 21 anyos, machine operator at residente ng Purok 16, Brgy Poblacion, Santa Elena, Camarines Norte.
Naaresto ang nasabing personahe ng mga operatiba ng Paracale MPS sa pangunguna ni PCAPT ROSA B ILAO, DCOP katuwang ang kapulisan ng Santa Elena MPS, CIDG-Cam.Norte, 1st at 2nd PMFC. Inihain sa suspek ang warrant of arrest para sa kasong RAPE UNDER ART. 266-A sa ilalim ng Criminal Case No. 24-4725 na ipinalabas ni Hon. CORNELIO MAGANA ROLL, Acting Presiding Judge, RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte noong April 17, 2024.Wala namang rekomendadong piyansa para sa nasambit na kaso.
Ang arestadong personahe ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO