49 ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET

49 ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET

Bandang alas 2:10 ng umaga nitong Mayo 24, 2024, isang lalaking tulak umanonng iligal na droga ang nasakote sa isinagawang drug buy-bust operation ng kapulisan ng Daet MPS, katuwang ang mga tauhan ng CN PDEU, at CN 1st PMFC sa isang hotel sa Brgy. Mancruz, Daet, Camarines Norte, Camarines Norte.

Kinilala ang target ng operasyon na si alyas “ALDO”, 49 anyos, binata, isang construction worker at residente ng Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte. Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga.

Sa kasalukuyan ang mga suspek kasama ng mga nakuhang ebidensya ay na sa pangangalaga na ng himpilan ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO