Personal na pinuntahan ni Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes ang payout ng AKAP ng DSWD. ang AKAP ay isa sa mga programa ni Congresswoman Panotes sa pakikipagtunungan sa DSWD para pandagdag puhunan ng ilan ating mga kababayan na mas nangangailangan.
Humingi rin ang kongresista ng pang-unawa sa mga kababayan na, gustuhin man niya na lahat ay mapagbigyan, may mga proseso, assessment at approval pa ring sinusunod ang DSWD.
Padagos lang ang paglikom at makipag-ugnayan ng kongresista sa National Government para mabigyan ng mga ganitong programa ang segundo distrito. Labis rin ang pasasalamat niya sa Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Martin Rumualdez sa suportang kanilang ibinibigay para sa segundo distrito ng Camarines Norte.


