ISANG BABAENG REGULAR NA MIYEMBRO NG NEW PEOPLES ARMY (NPA) SA ILALIM NG ARMANDO CATAPIA COMMAND AT KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS (KMP), KUSANG LOOB NA SUMUKO SA KAPULISAN

ISANG BABAENG REGULAR NA MIYEMBRO NG NEW PEOPLES ARMY (NPA) SA ILALIM NG ARMANDO CATAPIA COMMAND AT KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS (KMP), KUSANG LOOB NA SUMUKO SA KAPULISAN

Isang babaeng miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na kabilang sa NPA sa ilalim ng Armando Catapia Command at ng Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP) ang kusang loob na sumuko sa kapulisan sa pangunguna ng 1st Camarines Norte PMFC (lead unit) kasama ang Basud MPS, CN PIU, MICO 5 at NICA 5 dakong alas 11:20 ng umaga nito lamang Mayo 23, 2024. Bukas palad nilang tinulungan ang nasabing personahe na kusang sumuko at nagpasyang sumailalim sa mga programa ng gobyerno sa pamamagitan ng NTF-ELCAC at E-CLIP.

Ang nasabing personahe ay itinago sa alyas na “Tita”, 63 taong gulang. Kaakibat ng kanyang pagsuko ay isinurender din niya ang isang (1) Magnum 357 Caliber 38 na may anim (6) bala para sa nasabing baril.

Ang naturang pagsuko ay bunsod ng whole-of-nation approach o ang patuloy na pakikipagtulungan at pakikiisa ng lahat ng sangay ng pamahalaan at lipunan para tulungan ang mga kapatid nating kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na buong pusong magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapamuhay ng malaya at makapiling muli ang kanilang mga pamilya ng walang anumang takot at pangamba.

Sa kasalukuyan nasa kustodiya ng himpilan ng Basud MPS ang nasabing personahe para sa pagsasaayos ng mga kinakailangang dokumento para sa kanyang pagbabalik-loob sa gobyerno.

Source: CNPPO