Idineklarang Drug Cleared Municipality ang bayan ng Sta. Elena sa Camarines Norte ganap na ika-2:00 ng hapon nitong Mayo 28, 2024 na ginana sa Mayor’s Office, Municipal Hall, Brgy. Sta. Elena, Camarines Norte.
Isinagawa ito matapos ang pagpupulong ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Operations Program (ROC-BDCP) para sa deliberasyon at deklarasyon ng drug cleared status ng naasabing bayan. Ito ay pinamumunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang Department of Interior and Local Government, Philippine National Police (PNP), DOH bilang mga miyembro ng nasabing komite. Ang ROC-BDCP ang bukod tanging awtoridad na siyang nag-dedeklara ng Drug Cleared and Drug Free Municipality alin-sunod sa Dangerous Drug Board Regulation No. 3 Series of 2017.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mga punong bayan sa probinsya nna nag-apply o nagnanais na maging isa sa Municipal Drug Cleared ang kani-kanilang bayan kabilang nga rito si Sta. Elena Municipal Mayor, Hon. Bernardina E. Borja na nagbigay ng kanyang mensahe bilang suporta sa pagpapanatili ng pagiging isang municipal drug cleared.
Ang bayan ng Sta Elena na idineklarang Drug Cleared and Drug Free Municipality ay bunga ng sama-samang pagtutulungan at pagsisikap ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at LGU Core Team kasama ang DILG-Sta Elena sa pamumuno ni Mr. Gerardo Mallapre, Dr. Ruth Porto, Mrs. Elvira Gomez, Sta Elena Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ NORWEN ABELIDA, Faith-Based group at aktibong suporta ng komunidad.
Hiningi naman ng Sta Elena MPS sa publiko na panatilihin ang kapayapaan sa komunidad at huwag mag-atubiling magbigay ng impormasyon ukol sa anumang ilegal na aktibidad lalo na ang tungkol sa iligal na droga.


