Kahapon, May 29, 2024, Pinangunahan ni Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes ang turn over ceremony ng bagong gawang covered court para sa Lazaro Cabezudo High School, Brgy. Calintaan, Talisay, Camarines Norte.
Sa isang simpleng seremonya, nagpasalamat ang kongesista sa dedikasyon ng mga guro at iba pang namumuno ng paaralan para sa kanilang dedikasyon upang mabigyan ng maayos na edukasyon ang mga estudyante nito.
Laking pasalamat at labis na katuwaan rin ang nadarama ng mga teachers, faculties, parents at mga estudyante ng LCHS dahil isa sila pinagkalooban ng kongresista ng ganitong proyekto. Malaking tulong din ito para sa kanila dahil hindi na sila maiinitan o mauulanan kapag mag mga activities sila sa kanilang paaralan.