Alas 8:30 ng umaga nitong Hunyo 7, 2024 nang magsagawa ng search warrant operation ang mga kapulisan ng Jose Panganiban MPS at PDEU CNPPO na nagresulta sa pagkakaresto ng isang lalaki matapos na makuhaan ng diumano’y iligal na droga sa kanyang tinitirhan sa Purok 2, Barangay Sta Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “TAN”, 26 anyos, may kinakasama at isang negosyante. Isinilbi rito ang Search Warrant No. D-14-2024 para sa paglabag sa Section 11 Article ll ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ipinalabas ni Hon. Evan D. Dizon, Executive Judge ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte nitong Hunyo 6, 2024. Nakuha sa nasabing operasyon ang ilang pakete ng hinihinalang iligal na droga na may hindi pa matukoy na bigat at halaga.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang nasambit na personahe para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO