Nitong sabado lamang, June 15, 2024, dumayo ang Barangay Visition ni Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes sa Barangay Sta. Cruz, Talisay, Camarines Norte.
Personal na nakadaupang palad ng kongresista ang mga residente ng nasabing barangay na tumanggap ng simpleng regalo mula sa kanya. Naidulog rin ng personal ng Punong Kapitan ang kanilang mga kailangan para sa barangay.
Laking pasalamat rin ng barangay officials na hindi sila nakakalimutan ni Cong. Rosemarie, mula pa noong nabubuhay pa ang kanyang mga magulang. Padagos pa din ang kanilang natatanggap na suporta mula sa kongresista.
Nagpasalamat rin si Cong. Rosemarie Conejos Panotes sa mga taga Sta. Cruz, Talisay sa mainit na pagtanggap sa kanila. Kaya naman padagos lang ang kanyang pagsisikap upang mabigyan ng makabuluhang mga proyekto ang segundo distrito ng Camarines Norte.


