Dakong 1:50 ng madaling araw nitong Hunyo 18, 2024 nang matiklo sa isang buy-bust operation ang isang tulak umano ng iligal na droga na inilatag ng mga kapulisan ng Talisay MPS, CNPIU at ng 1st PMFC sa may bahagi ng Purok 2, Barangay San Jose, Talisay, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilala sa alyas na “Ador”, 41 anyos, isang construction worker at residente ng Barangay VIII, Daet, Camarines Norte. Nakuha sa operasyon ang limang maliliit na selyadong plastik na pakete ng naglalaman ng hinihinalang “shabu” na walang pang tiyak na timbang at halaga maging ang perang ginamit bilang buy-bust money.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Talisay MPS ang naarestong personahe na haharap sa reklamong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: CNPPO PIO