PARACALE, CAMARINES NORTE- Bandang alas 8:10 ng gabi nitong Hunyo 22, 2024, ay naaresto ng kapulisan ng Paracale MPS katuwang ang mga tauhan ng CNPDEU, RPDEU, at Camarines Norte 2nd PMFC, na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV, ang isang lalaking tulak umano ng iligal na droga sa Purok 1, Barangay Tawig, Paracale, Camarines Norte.
Kinilala ito sa alyas na “NARDO”, 38 anyos, may kinakasama, magkakabod at residente ng nasabing lugar. Nakumpiska sa operasyon ang di pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga.
LABO, CAMARINES NORTE- Isa din tulak umano ng iligal na droga ang naaresto ng kapulisan ng Labo MPS kasama ang mga personahe ng CNPDEU, CNPIU, na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV, dakong alas 8:40 ng gabi ng Hunyo 23, 2024 sa P-1, Brgy. Gumamela, Labo, Camarines Norte.
Ang nahuling suspek ay kinilalang si alyas “VINCE” 39 anyos, may kinakasama at residente ng P-1, Barangay Dalas, Labo, Camarines Norte. Nakuha rin sa operasyon ang di pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga.
Ang mga naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon. Samantala, kakaharapin ng mga suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Source: CNPPO PIO

