Isang aktibong miyembro ng PNP ang timbog sa ikinasang drug buy-bust operation ng PNP- Integrity Monitoring and Enforcement Group sa Bayan ng Libmanan, Camarines Sur, pasado alas-2 ng madaling araw June 24 2024.
Ang naarestong pulis ay may ranggong Police Corporal na nakadestino mula pa sa Metro Manila.
Ayon sa ulat matagal nang minamanmanan ng PNP-IMEG ang pulis dahil umano sa pagpapasok ng droga sa probinsya ng Camarines Sur.
Nasamsam sa pulis ang pinaniniwalaang shabu na may bigat na aabot sa 200 gramo at market value naman na higit 1.3 milyon.
Nasa kustodiya na ngayon ng Libmanan MPS ang pulis na naaresto.


Source: CTTO