Sinagot ng DPWH Sub- District CamNorte ang draft resolution inihain ni 2nd District Board Member Pol Gache na naglalayong alamin ang kalagayan ng mga tulay sa River Block barangay sa bayan ng Basud, Camarines Norte.
Nang humarap ang mga ito sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, nabanggit nila na poor o hindi na maganda ang lagay ng Mocong Bridge No. 1 matapos ang kanilang inventory ng Bridge Monitoning System at kasalukunayan na nila itong isinasaayos.
Ayon naman kay Engr. Froilan De Jesus ng planning and Design ng DPWH, prayoridad ang Mocong Bridge No. 1 ng kanilanv tanggap dahil papalitan ng istraktura nito ( girder at deck) at ang pondo nito ay kukunin sa Quick Reaction Fund ng DPWH ngayong 2024.
Habang isinasaayos ang naturang tulay, maglalagay sila ng detour bridge upang pansamantalang daanan ng mga residente at sasakyan ng nasabing bayan. Nabanggit rin na mamadaliin nila ang pagsasaayos nito.
Bukod sa nasabing tulay, sumailalim rin sa Bridge Monitoring System ang iba pang tulay sa River Block barangay ng Basud, CN. Ang Mocong Bridge No. 2 at Malugonot Bridge ay nasa fair status at ang Mandazo Bridge naman ay nasa good status. Kaya naman tiniyak ng mga tauhan ng DPWH na ligtas itong madadaanan.



