BANGKAY NG DI PA NAKIKILALANG  LALAKI, NATAGPUAN SA BAYAN NG BASUD

BANGKAY NG DI PA NAKIKILALANG  LALAKI, NATAGPUAN SA BAYAN NG BASUD

Dakong alas 9:30 ng umaga nang matagpuan ng isang Park/Forest Ranger mula sa  DENR ang isang bangkay ng lalaki sa may masukal na bahagi ng Sitio Bahi, Bicol Natural Park, Barangay Tuaca, Basud, Camarines Norte.  Agad niya itong inireport sa mga tauhan ng CN 1st PMFC na nakabase sa Boarder Control Point (BCP) sa Brgy. Tuaca, sa nasambit na bayan.

Agad namang ipinaabot ang ulat sa himpilan ng Basud MPS para sa pagsasagawa ng masusing imbestigasyon na agad namang rumesponde at nagtungo sa nasabing lugar sa pangunguna ni PCPT MATOSALEM B ROMERO JR., DCOP.

Batay sa ulat, ang natagpuang biktima ay isang lalaki na nasa mahigit o mas mababa sa 1.6 metro (5’3) ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng tiger eye stone bracelet, gray slacks, brown leather belt, at color green Giordano T-shirt. Ang natagpuang biktima ay  nasa state of decomposition na kung kaya’t hindi pa rin matukoy ang kanyang pagkakakilanlan.

Nagsagawa naman ng koordinasyon at hiningi ang tulong ng SOCO-CN para maiproseso ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay.

Samantala,  nagpapatuloy ang koordinasyon ng Basud PNP sa mga kalapit na himpilan ng pulisya maging sa mga katabing munisipyo at probinsya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at mahanap ang kanyang pamilya.

Ang nasabing bangkay ay dinala naman sa Saint Raphael Funeral Homes, Brgy. Matnog, Basud, Camarines Norte para sa isasagawang post mortem examination.

Source: CNPPO PIO