1 PATAY AT TATLO ANG SUGATAN MATAPOS MAKURYENTE SA BAYAN NG STA. ELENA

1 PATAY AT TATLO ANG SUGATAN MATAPOS MAKURYENTE SA BAYAN NG STA. ELENA

Dineklarang patay ang isang lalaki habang tatlo ang sugatan matapos na makuryente bandang alas 3:00 ng madaling araw nitong July 3, 2024 sa Brgy. Kabuluan, Sta Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang biktimang nasawi na si alyas “RICKY”, 35 taong gulang habang sugatan naman sina alyas “ JEFF”, 27 taong gulang, alyas “NICO”, 23 taong gulang, pawang mga residente ng Brgy. Pansol, Calauag, Quezon at alyas “TONI”, residente ng Brgy. Kabuluan, Sta Elena, Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon, habang ibinababa ang isang Isuzu Utility Vehicle na na nagmula sa Pagbilao, Quezon sa isang six-wheeler Isuzu dropside truck na may crane, aksidenteng natamaan ng cable ng crane ang isang electrical cable na naging sanhi ng pagkakakuryente ng mga biktima.

Ang mga biktima ay agad na isinugod sa Rosary of Virgin Mary Hospital para sa agarang medikal ngunit si alyas “RICKY” ay dineklarang patay ng attending physician ng nasabing pagamutan. abang ang iba pang mga biktima ay inilipat sa Magsaysay Memorial Hospital, Lopez, Quezon para sa karagdagang medikal pagkatapos magtamo ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Dinala naman ang labi ng biktima sa Saavedra Funeral Home at isasailalim sa Autopsy/Post Mortem Examination.

Ipinaabot naman ng kapulisan ang pakikiramay sa pamilyang naiwan ng nasawi at pinag-iingat ang publiko sa lahat ng oras at umaasa na nawa ay hindi na maulit pa ang nangyaring trahedya.

Source: CNPPO PIO