TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, SAKOTE SA OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG BASUD

TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, SAKOTE SA OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG BASUD

Dakong alas 8:27 ng gabi nito lamang Hulyo 02, 2024, isang tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation kontra iligal na droga ng kapulisan ng Basud MPS, PPDEU, CNPIU at 503rd MC RMFB5 na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV na isinagawa sa Purok 1, Barangay Matnog, Basud, Camarines Norte.

Ang nahuling suspek ay kinilalang si Alyas “Jolan” 29 anyos, may kinakasama, isang multicab drayber at residente ng Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang hinihinalang iligal na droga na wala pang tiyak na timbang at halaga. Ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Basud MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.

Ayon kay PMAJ EVA O GUIRUELA, hepe ng Basud MPS, “Muli po ang inyong kapulisan ay hindi titigil sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga. Makakaasa po kayo na ang inyong kapulisan ay patuloy lang sa pagbabantay upang masiguro ang kapayapaan ng bayan ng Basud. Ang kapulisan po ay naririto lamang upang magmanman at mapanatiling protektado ang taong bayan sa mga mapagsamantala at pilit na sumisira sa buhay ng mga mamamayan lalo na ang mga taong nagiging biktima ng paggamit ng iligal na droga.”

Source: CNPPO PIO