Alas 9:45 ng gabi nitonh July 5, 2024 nang isang aksidente sa kalsada ang naganap sa kahabaan ng Maharlika highway Diversion Road, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte.
Batay sa ulat, agad na rumesponde ang tauhan ng Daet PNP matapos ipaalam sa kanilang himpilan ang nasabing aksidente na kinasasangkutan ng isang truck na minamaneho ni alyas “Ted”, 54 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy Mampurog San Lorenzo, Camarines Norte sakay ang pasahero nitong si alyas “Migs”, 20 taong gulang, binata, truck helper, residente ng Purok 2, Barangay Angas, Basud, Camarines Norte at isang pampasaherong traysikel na minamaneho ni alyas “Don”, 72 taong gulang at angkas naman nitong si alyas “Ding”, 70 anyos na pawang mga residente ng Vinzons, Camarines Norte.
Ayon sa paunang imbestigasyon na isinagawa ng miyembro ng Daet PNP, habang binabaybay ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na direksyon ng kalsada nang bigla umanong masakop ng traysikel na nagmula sa bayan ng Talisay ang kabilang linya ng kalsada na tinatahak ng nasambit na truck na nagmula naman sa bayan ng Basud na naging dahilan ng aksidenteng pagsalpokan ng dalwang sasakyan.
Agad na dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga biktimang sangkot sa aksidente. Ang mga personahe na lulan ng truck ay walang anumang pinsalang natamo subalit ang dalwang biktimang sakay ng pampasaherong tricycle ay napag-alamang parehong binawian ng buhay matapos na ideklarang DOA ng nakatalagang doktor.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsasagawa ng Daet PNP ng imbestigasyon ukol sa nasabing aksidente. Samantala, nasa pangangalaga ng Daet MPS ang driver at pahinante ng truck para sa kaukulang pag dodokumento at disposisyon.
“Kaya muling kong pinaaalalahanan ang mga motorista na palaging unahin ang kaligtasan, maging disiplinado sa paggamit ng ating kalsada, at lalo’t higit pagsunod sa batas trapiko.” PLTCOL ANDY O ROSERO.
Source: CNPPO PIO