Patay sa pamamaril ang isang 27 taong gulang na babae dakong alas 7:20 ng gabi nitong July 5, 2024 sa Barangay Mangkasay, Paracale, Camarines Norte.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Ching”, 27 anyos, na residente ng nasambit na lugar. Ayon sa ulat, agad na rumesponde ang kapulisan ng Paracale MPS matapos na matanggap ang ulat ukol sa nasabing insidente. Ayon sa paunang imbestigasyon, ang biktima ay binaril ng hindi pa nakikilalang personalidad sa hindi matukoy na dahilan.
Ayon sa saksi, nadiskubre nila na ang biktima na may tama ng bala sa katawan habang nakahiga sa isang bamboo sofa sa kanilang tahanan. Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang (2) basyo ng bala na nagmula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.
Agad namang isinugod ang biktima sa CNPH Daet Camarines Norte. Subalit ito ay ideneklarang dead on arrival ng nakatalagang doktor.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang motibo at ang posibleng pagkakakilanlan ng salarin.
Hinihingi naman ng pulisya ng Paracale MPS ang pakikipagtulungan ng mga posibleng nakasaksi sa insidente para sa agarang ikalulutas ng nasabing insidente.



Source: CNPPO PIO