TINATAYANG MILYONG  HALAGA NG HINIHINALANG SHABU NASABAT SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG MERCEDES

TINATAYANG MILYONG  HALAGA NG HINIHINALANG SHABU NASABAT SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG MERCEDES

Arestado sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng MDEU ng Mercedes MPS sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT DAN-NILO F CAPILI, OIC kasama ang PPDEU, PIU, at CN 1st PMFC ang isang lalaking big time pusher bandang 1:45 ng umaga ngayong araw,  Hulyo 9, 2024 sa Purok 1, Barangay Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si alyas “PALITS”, isabg High Value Individual on Illegal Drugs,   41 anyos, binata, walang trabaho, at residente ng Purok 5, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte.

Naging matagumpay ang nasabing operasyon matapos makumpiska ang ilang piraso ng malalaking pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang umaabot sa milyong halaga.

Ang arestadong suspek kasama ng mga nasamsam na ebidensya  ay kasalukuyang  nasa kustodiya ng Mercedes MPS habang inihahanda na ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng angkop na reklamong kriminal laban dito.

“Ang kampanya ng Mercedes PNP laban sa ilegal na droga ay may layuning mapababa ang kaso ng pagkalat nito sa lipunan. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mahigpit na pagtutok at pagpapatupad ng batas laban sa droga, ipinapakita ng Mercedes PNP ang  determinasyon na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan. Mahalaga ang papel ng bawat indibidwal sa paglaban sa droga upang masiguro ang isang ligtas at maayos na pamayanan para sa lahat.”-PCPT CAPILI.

Source: CNPPO PIO