ISA PATAY SA  AKSIDENTENG NAGANAP SA BAYAN NG LABO

ISA PATAY SA  AKSIDENTENG NAGANAP SA BAYAN NG LABO

Nakakalungkot na pangyayari ang naganap na aksidenteng kinasangkutan ng mga kawani ng BJMP-Labo bandang alas 8:30 ng umaga, nitong araw, July 11, 2024 sa may bahagi ng Purok 2, Brgy. Bautista, Labo, Canarines Norte.

Ayon sa inisyal na report, habang binabaybay ng BJMP vehicle ang kahabaan ng kalsada mula BJMP Labo, Camarines Norte sakay ang limang BJMP personnel at 10 Persons Deprived of Liberty (PDL), patungo sa RTC Daet, Camarines Norte para sa pagdinig sa kanilang mga kaso nang bigla itong masangkot sa isang aksidente.

Isang tricycle na nagmula sa kabilang direksyon ng kalsada matapos na ibaba ang kanyang pasahero ang diumano’y biglang tumawid at pumagitna sa kalsada.  Sinubukan umanong umiwas ng driver ng paparating na sasakyan ng BJMP na matumbok ang tricycle subalit nawalan na ito ng kontrol dahilan upang tumagilid ang nasambit na government vehicle. Dahil dito, ang driver at lahat ng mga pasahero ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan at agad na dinala sa CNPH ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO-Labo para sa kanilang medikal na atensyon. 

Sa kasamaang palad, dakong 8:56 ng umaga,  isa sa mga sakay na security officer ng BJMP Labo ang idineklarang dead on arrival ng nakatalagang doktor. 

 Ang sasakyang nasangkot ay nagkaroon ng di matukoy na halaga ng pinsala.

Sa kasalukuyan, ang mga tauhan ng Labo Municipal Police Station ay nagsasagawa pa rin ng follow-up investigation kaugnay sa nasabing aksidente sa Camarines Norte Provincial Hospital kubg saan naroroon ang mga biktima.

“Muli namang nagpaalala ang Labo Municipal Police Station sa publiko lalo na sa mga gumagamit ng sasakyan na maging repsonsable maingat at palagiang isipin ang kaligtasan sa pagmamaneho” – PLTCOL MANILA.

Photo: CTTO