Dakong alas 9:00 ng gabi nitong Hulyo 10, 2024 nang magsagawa ng search warrant operation ang mga tauhan ng Labo MPS kasama ang CNPPDEU, CN 2ND PMFC at 91ST SAC 9th SAB, (PNP SAF) sa Brgy. Mabilo II, Labo, Camarines Norte.
Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkaka-aresto ng dalawang personalidad na kinilala sa alyas na “Ben”, 38 anyos at alyas “Jing”, 51 anyos na residente ng nasambit na lugar.
Isinagawa ang operasyon matapos na ihain ang Search Warrant No. 24-D-0110 para sa paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” . Nakumpiska sa operasyon ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na wala pang tiyak na timbang at halaga. Ang pagkakasamsam ng nasabing mga ebidensya ay nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya na ng himpilan ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.
Panawagan naman ni PLTCOL AUGUSTO A MANILA’, hepe ng Labo MPS,. “Sa mga nagbebenta at gumagamit pa ng ipinagbabawal na gamot, ang inyong kapulisan ay hindi titigil upang wakasan ang ating laban sa sinumang nagpapakalat at gumagamit ng iligal na droga, na siyang sumisira sa kinabukasan ng ating mga kababayan.

Source: CNPPO PIO