Alas 11:46 ng gabi nitong July 14, 2024 nang magsagawa ng search warrant operation ang mga kapulisan ng Jose Panganiban MPS, CNPIU, PDEU at ang CNHPT na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang babae matapos na makuhaan ng umano’y iligal na droga sa kanyang tinitirhan sa Barangay Bagongbayan, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Josie”, 39 anyos, may kinakasama at isang negosyante. Isinilbi rito ang Search Warrant No. D-18-2024 para sa paglabag sa Section 11 Article ll ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nakuha sa nasabing operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang nasambit na personahe para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO