SEARCH WARRANT OPERATION NA IKINASA NG KAPULISAN SA BAYAN  NG LABO, MATAGUMPAY!

SEARCH WARRANT OPERATION NA IKINASA NG KAPULISAN SA BAYAN  NG LABO, MATAGUMPAY!

Alas 12:20 ng umaga nitong July 17, 2024 nang silbihan ng search warrant ng mga operatiba ng kapulisan  ang isang lalaki sa Brgy. Macogon, Labo, Camarines Norte. 

Kinilala ang target ng operasyon na si alyas “Kiko”, 34 anyos, may kinakasama, isang  minero at residente ng nasambit na lugar. Isinilbi rito ng mga tauhan ng Labo MPS katuwang ng 2nd CNPMFC, 91 SAC, 9SAB PNP SAF, CNPPO-PDEU ang Search Warrant No. 24-D-0111 para sa paglabag ng Section 11 Art II ng RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”. Matagumpay na nakuha sa operasyon ang isang revolver na walang serial number at kargado ng dalawang bala, isang pirasong hand grenade at ilang pakete ng shabu na wala pang tiyak na timbang at halaga

Magkakahiwalay na kasong paglabag sa RA 9165, RA 10591 at RA 9516 ang inihahanda ng kapulisan laban sa suspek na kasalukuyang nasa kustodiya na ng Labo MPS.

Source: CNPPO PIO