Naging matagumpay ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ng Talisay MPS, CNPIU, RPDEU, CNPPDEU at ng CNMARPSTA matapos na maaresto ang isang tulak ng iligal na droga dakong alas 12:30 ng umaga nitong Hulyo 18, 2024 sa Purok 3, Brgy San Francisco, Talisay, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas ‘’Rene’’, 27 taong gulang, walang asawa, isang construction worker at residente ng P-4, Brgy. V, Daet, Camarines Norte. Sa nasabing operasyon, nakumpiska ang ilang pirasong pakete ng shabu na wala pang tiyak ng bigat at halaga.
Ang naarestong suspek at mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya na ng Talisay MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO