Inihain ngayong linggo ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes ang House Bill No. 10618 upang maging opisyal nang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) sa pagbubukas ng bagong sesyon ng kongreso.
Ang AKAP ay isang programa na kung saan nagbibigay ng munting tulong o suporta para sa mga pamilyang kapos ang kita upang magkaroon ng pangtustos sa kanilang pang araw-araw na buhay. Nabatid rin ng kongresista na malaking tulong ito kaya naman nais niyang mas palawakin pa ang naturang programa upang mas maraming matulungan at makinabang rito lalo na sa segundo distrito at mga CamNorteño.