Ihahain nina Board Member Pol Gache at Board Member Winnie Oco sa kongreso ang pagbabago ng klasipikasyon ng mga timberland ng lalawigan ng Camarines Norte upang maging agricultural land para mapakinabangan at mataniman ng mga residenteng naninirahan dito. Ito ay matapos na matuklasan nila na may ilang mga barangay dito sa lalawigan ang nananatiling nasa timberland pa rin ang klasipikasyon kahit na tinataniman na ito ng mga residenteng naninirahan doon.
Ayon rin sa dalawang board member, nasa may pitong (7) barangay pa ang kanilang na-identify na timberland sa lalawigan. Kaya naman hihilingin nila sa kongreso sa pamamagitan ng isang resulusyon upang mabago ang klasipikasyon nito ang maging isang agricultural land na.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa Provincial Assessor upang mas mapagbuti ang mas mapaghandaan ang mga hakbangin ukol dito. Naniniwala rin sina BM Pol Gache at BM Winnie Oco na mas mapapakinabangan ng mga residente ang mga naturang lupa.