Pipilitin ng Hanabana Construction na matapos na ang konstruksyon ng limang malalaking tangke ng tubig na itinatayo sa Brgy. Dagotdotan, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte na water treatment plant bago pa ang deadline nito sa nobyembe.
Yan ang ipinagayag si Engr. Donald Vargas sa press conference kahapon, August 6, 2024. Ayon rin kay Engr. Vargas kapag natapos na ang nasabing konstruksyon ay makakapgsimula na sila ng operasyon at makakapagsuplay ng aabot sa limang libong cubic meters ng tubig araw-araw na isususplay rin sa Primewater.
Ipinaalam rin niya na gumagawa rin sila ng sedimentation basin para makapagproseso ng tubig kahit na tag-ulan at may baha. Dahil rito hindi na kinakailangan na magsara ng mga tangke, at hindi na magkakaroon ng water interruption kapag malakas ang ulan katulad ng nararanasang mga konsumedores.
Ang nasabing press conference ay iorganisa ni Bokal Pol Gache, Committee Chairman, Public Utilities ng Sangguniang Panlalawigan. Ayon rin kay Bokal Gache isa ito sa mga ginagawa ng administrasyon upang tugunan ang nararanasang problema sa suplay ng tubig sa lalawigan.
Kasama rin dito sina committee Vice Chairman Bokal Winnie Balce Oco , Primewater Branch Manager Johnson Chan, at CNWD Gen. Manager Engr. Froilindo Villaluz.