ISANG LALAKING REGULAR MEMBER NG NEW PEOPLE’S ARMY (NPA) SA ILALIM NG ARMANDO CATAPIA COMMAND AT KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS (KMP), KUSANG-LOOB NA SUMUKO SA KAPULISAN

ISANG LALAKING REGULAR MEMBER NG NEW PEOPLE’S ARMY (NPA) SA ILALIM NG ARMANDO CATAPIA COMMAND AT KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS (KMP), KUSANG-LOOB NA SUMUKO SA KAPULISAN

Sa pamamagitan ng whole-of-nation approach, na isang pinagsamang inisyatibo ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at sektor ng lipunan, patuloy na ipinapakita ang malasakit sa mga kapatid nating kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nagnanais magbalik-loob sa pamahalaan. Layunin ng programang ito na tulungan silang makapiling muli ang kanilang mga pamilya at magbagong-buhay sa loob ng ligtas at mapayapang pamayanan.

Sa pinaigting na kampanya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at sa pagtutulungan ng iba’t ibang yunit ng kapulisan, matagumpay na naisakatuparan ang pagsuko ng isang regular na miyembro ng NPA sa Camarines Norte. Sa pangunguna ng 1st Camarines Norte Provincial Mobile Force Company (PMFC), katuwang ang Basud Municipal Police Station (MPS), Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CN PIU), Military Intelligence Company (MICO) 5, at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) 5, naganap ang naturang pagsuko dakong 12:40 ng tanghali nitong Agosto 12, 2024, sa himpilan ng Basud MPS.

Kinilala ang nasabing personalidad na si alyas “Yong”, isang magsasaka at residente ng Brgy. Lupi, probinsya ng Camarines Sur. Siya ay regular na miyembro ng New People’s Army sa ilalimm ng  Armando Catapia Command ng NPA at kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Kusang-loob siyang sumuko sa mga awtoridad at nagpasyang sumailalim sa mga programang hatid ng pamahalaan sa pamamagitan ng NTF-ELCAC at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Kasama ng kanyang pagsuko, isinurender rin niya ang isang (1) unit ng Magnum 357 Caliber .38 na may defaced serial number at anim (6) na bala para sa nasabing baril. Ang kanyang desisyon na bumalik sa pamahalaan ay isang patunay na ang mga programa ng pamahalaan para sa pagwawakas ng lokal na armadong labanan ay epektibo at nagdudulot ng kapayapaan at kaayusan sa ating bayan.

Sa kasalukuyan, ang nasambit na personahe ay nasa kustodiya na ng Basud Municipal Police Station para sa kaukulang proseso at disposisyon.

Source: CNPPO PIO