PAGPUPULONG SA KONGRESO KAUGNAY NG PANUKALANG SPECIAL ECONOMIC ZONE SA JOSE PANGANIBAN, ISINAGAWA!

PAGPUPULONG SA KONGRESO KAUGNAY NG PANUKALANG SPECIAL ECONOMIC ZONE SA JOSE PANGANIBAN, ISINAGAWA!

Isinagawa ngayong hapon, August 13,sa Kongreso ang Technical Working Group (TWG) meeting na dinaluhan ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes at ni Ms. Anica Padilla upang talakayin ang isang priority bill na isinusulong ni Governor Dong Padilla para sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ang nasabing panukala ay naglalayong magtatag ng isang Special Economic Zone sa bayan ng Jose Panganiban.

Layunin ng panukalang batas na ito na lumikha ng mas maraming oportunidad at trabaho para sa mga residente ng Camarines Norte, partikular na sa Jose Panganiban. Patuloy ang pagsisikap ni Congresswoman Panotes upang maaprubahan ang bill na ito, kasama ng iba pang panukalang batas na magpapalawak ng serbisyo at makakabuti sa lalawigan.