Alas 9:00 ng umaga, kanina, Agosto 16, 2024, dumalo si PCOL ROQUE A. BAUSA, Acting Regional Director for Operations bilang kinatawan ni PRO5 Regional Director, PBGEN ANDRE P. DIZON sa Closing Ceremony ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita sa nasabing aktibidad.
Ang seremonya ay isinagawa ng Camarines Norte PPO sa pamumuno ni PCOL JOSELITO E. VILLAROSA, JR, Provincial Director na ginanap sa Nathaniel Hotel, Function Hall, Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte kung saan 70 na tauhan ng pulisya mula sa CN 1st at 2nd PMFC ang matagumpay na nakatapos ng nasabing pagsasanay.
Dinaluhan din ito nina PLTCOL ROGELYN C. PERATERO, Assistant Chief, RCADD; PLTCOL ROMMEL B. LABARRO, DPDO; Ms. Andrea Nicole S. Padilla, Special Assistant to the Governor na kumakatawan kay HON. RICARTE R. PADILLA, Provincial Governor; CNPPO Quad Staff; mga Force Commander ng 1st at 2nd PMFC; OIC ng Daet MPS kasama si Mr. Ricky A. Hernandez, Labor and Employment Officer III ng DOLE Camarines Norte; Engr. Eduardo B. Bonagua, Provincial Director ng TESDA Camarines Norte bilang mga katuwang na ahensya; at mga Kapitan ng Barangay Malatap at Anameam ng Labo at Lalawigan, Hamoraon at Colasi ng Mercedes, Camarines Norte.
Sa nasabing aktibidad, kinilala ang mga PNP personnel na nagpakita ng natatanging galing at kasanayan sa buong pagsasanay. Ang kanilang kahusayan ay binigyang pagkilala sa pamamagitan ng paggawad ng sertipiko na naglalarawan ng kanilang dedikasyon at kakayahan.
Ang mga bagong graduate na miyembro ng R-PSB ay inaasahang gumanap ng mahalagang papel sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad. Sa kanilang pagsasanay at kasanayan, inaasahan silang makipag-ugnayan sa komunidad hindi lamang bilang mga tagapagpatupad ng batas kundi bilang mga aktibong katuwang sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad.
Ang R-PSB team ay makikipagtulungan sa komunidad upang tugunan ang mga lokal na suliranin, magtayo ng tiwala, at lumikha ng mas ligtas na kapaligiran. Ang kanilang pagsisikap ay magtitiyak ng mas pinagkaisang at epektibong pamamaraan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.



