Pinangunahan ni Chief of Staff Voltaire Conejos ang payout ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes para sa mg mahihirap na pamilya na kulang ang kinikita sa kanilang trabaho. Kahapon, August 19, 2024 ang sector naman ng mga tricycle driver mula sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte ang mga benepisaryo ng AKAP na ginanap sa SM City Daet.
Dito ay personal na binati at kinamusta ni COF Voltaire Conejos ang mga driver sa ngalan ng kongresista upang alamin na rin ang kanilang ibang pangangailan.
Ang AKAP Program na ito ni Camnorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes ay iikot sa pitong (7) bayan ng segundo distrito ng Camarines Norte. Nais kasi ng kongresista na walang maiiwan sa kanyang distrito kung pwede lamang ay lahat maisama sa programa. Katuwang niya rito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang nangangasiwa nito.