Nagsimula na ang Mobile Service Caravan ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes sa pakikipagtulungan niya kay Vice Mayor Agnes Ang ng bayan ng Vinzons, Camarines Norte naglalayon itong matulungan ang mga qualified vendors, TUPAD workers at GIP applicants sa pag-aasikaso ng kanilang mga aplikasyon.
Ang Mobile Service Caravan ay naglalayon din na mas mailapit ang mga barangay ang mga programa at serbisyo ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes.
Ipinaalala rin ng kongresista na limitado lang ang slots sa kada barangay at si VM Agnes Ang lamang ang dapat kontakin para sa pagpapalista at pag-aasikaso ng mga aplikasyon.