Isang matagumpay na buy-bust operation ang isinagawa ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte, dakong alas-6:00 ng umaga kanina, Agosto 22, 2024. Ang operasyon ay pinangunahan ni PMAJ HERSON U MANEGDEG, katuwang ang PDEU, RPDEU, CNPIU, at CNPHT, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Region V.
Naaresto ang isang suspek na kinilalang si alyas “Joe,” 51 taong gulang, at residente ng Purok P-3, Barangay Sta. Rosa Norte, Jose Panganiban. Ang suspek ay itinuturing na isang “Newly Identified Drug Personality” sa nasabing lugar.
Nabawi mula sa suspek ang isang selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, na nabiling patago ng isang poseur buyer. Bukod dito, nakumpiska rin ang mga sumusunod na ebidensya mula sa kanya:
-Isang orange na sling bag na may lamang calibre .38 na baril at tatlong bala.
-Apat na maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu.
-Isang piraso ng Php 500.00 na buy-bust money.
Kasama rin sa operasyon ang pagmarka, imbentaryo, at dokumentasyon ng mga nakuhang ebidensya, na isinagawa sa harap ng mga kinatawan ng barangay at media bilang mga mandatory witnesses.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Jose Panganiban MPS at haharap sa mga kasong kanyang nalabag.


Source: CNPPO PIO