Naaresto ang isang lalaki na sangkot sa iligal na droga sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte bandang 12:45 ng madaling araw, Agosto 24, 2024. Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsamang puwersa ng Camarines Norte Police Intelligence Unit (CNPIU), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at 1st Camarines Norte Provincial Mobile Force Company (CNPMFC) sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ CARLOS T GALES, OIC.
Ang suspek, na kinilala lamang sa alyas na “Dodong,” ay 38 taong gulang, may asawa, at residente ng Purok 1, Barangay Langga, San Lorenzo Ruiz. Ang operasyon ay isinagawa batay sa Search Warrant No. D-24-2024 na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 40, sa ilalim ni Hon. Executive Judge Evan Dizon noong ika-22 ng Agosto, 2024.
Nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu na wala pang tiyak na timbang at halaga. Ang operasyon ay isinagawa nang may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office V at Provincial Prosecution Office, at sinaksihan ng mga kinatawan mula sa media at mga halal na opisyal ng barangay.
Ayon kay PMAJ GALES, patuloy nilang isinusulong ang masusing kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.


Source: CNPPO PIO