LALAKING TARGET NG SEARCH WARRANT, NAARESTO SA BAYAN NG TALISAY, CAMARINES NORTE

LALAKING TARGET NG SEARCH WARRANT, NAARESTO SA BAYAN NG TALISAY, CAMARINES NORTE

Talisay, Camarines Norte – Naaresto ng mga operatiba ng CIDG Camarines Norte PFU, kasama ang Talisay MPS, CN 1st at 2nd PMFC, 503rd MC RMFB 5, at suportado ng RIU5-PIT, ang isang lalaking target ng search warrant operation bandang alas-7:20 ng umaga, Agosto 27, 2024, sa Purok 1, Barangay Binanuaan, Talisay, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Doy”, 45 anyos, may asawa, isang plumbing contractor, at residente ng nasabing barangay. Isinilbi sa kanya ang Search Warrant No. F-14-2024 na ipinalabas ni Honorable Evan D. Dizon, Executive Judge ng RTC Br. 40, Daet, Camarines Norte, noong Agosto 22, 2024, para sa paglabag sa R.A. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.”

Nakumpiska mula sa operasyon ang isang cal. 38 revolver na walang nakikitang tatak at serial number, pati na ang anim na bala para sa naturang baril.

Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng CIDG Camarines Norte PFU para sa nararapat na disposisyon.

Patuloy na binibigyang diin ng mga operatiba ng pulisya ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa probinsya sa pamamagitan ng walang humpay na operasyon laban sa mga lumalabag sa batas.

Ang matagumpay na pagkakaaresto kay alyas “Doy” ay isang malinaw na mensahe sa publiko na walang sinuman ang makakatakas sa kamay ng batas. Ang PNP ay nananawagan sa publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon upang masugpo ang kriminalidad.

Source: CNPPO PIO