TEAM PADAGOS LANG NAGBIGAY NG AGARANG TULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYONG ENTENG SA BAYAN NG VINZONS, CAMARINES NORTE

TEAM PADAGOS LANG NAGBIGAY NG AGARANG TULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYONG ENTENG SA BAYAN NG VINZONS, CAMARINES NORTE

Sa pangunguna ni Chief of Staff Voltaire Conejos, nagbigay ng agarang tulong ang Team Padagos Lang mula sa opisina ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes matapos ang malakas na pag-ulan para sa mga nasanlanta ng bagyong Enteng sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte.

Kasama ang ilang opisyal mula sa nasabing bayan, magkatulong sila sa npaghahatid ng mga relief goods para sa mga naapektuhan. Sinuong nila ang ulan at baha maibigay lamang ang kanilang dalang munting tulong mula sa kongresista. 

Labis rin ang pasasalamat ng mga taga barangay Mangcayo, maging ang mga brgy. Council sa agarang pagtulong ng Team Padagos Lang. Bagamat hindi personal na nakapunta ang kongresista dahil sa mahahalagang sesyon kongreso, nagpasalamat rin siya sa mga lokal na opisyal at nangako na babalik upang personal na magpasalamat sa pagmamahal at patuloy na pagsuporta sa kanya.