Personal na bumisita si CamNorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes sa bayan ng San Lorenzo Ruiz Camarines Norte para hindi na kailangan magastusan at mapagod ng mga residente para makafill-up lamang ng application form para sa AKAP at TUPAD.
Isinagawa ito kahapon, September 8, 2024 sa barangay Daculang Bolo, San Lorenzo Ruiz,CN, kasama rin sa mga naserbisyohan ang barangay Dogotdotan at barangay Laniton ng nasabing bayan.
Kasama rin ng kongresista si CamNorte 2D Board Member Pol Gache upang personal rin na makadaupang palad ang mga residente.
Ipinaalam rin ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes na ang pondong ito ay galing sa National Government kaya naman hindi niya sinasayang ang mga pagkakataon na makakuha ng mga pondo ito para maibahagi sa ating mga kababayan na kapos ang kita.