Isang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas ang naaresto ng mga tauhan ng Mercedes Municipal Police Station bandang 12:15 ng tanghali sa Brgy. Cayucyucan, Mercedes, Camarines Norte.
Ang suspek na kinilala sa alyas “ERB,” 32 taong gulang, binata, isang manggagawa, at residente ng nasabing lugar, ay inaresto batay sa isang warrant of arrest. Ang mga kasong isinampa laban sa kanya ay Rape sa ilalim ng Art. 266-A (1) (D) ng Revised Penal Code, na amyendahan ng RA 8353 at RA 11648 (2 counts), na may Criminal Case No. 33448 at 33449. Kasama rin dito ang kasong Rape Through Sexual Assault sa ilalim ng Criminal Case No. 33450.
Matapos maaresto, agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan bilang akusado. Siya ay dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa mga kinakailangang medikal na pagsusuri bago iproseso ang susunod na mga hakbang para sa kanyang kaso.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Mercedes MPS ang suspek habang isinasagawa ang mga kinakailangang proseso para sa tamang disposisyon ng kaso.