Nahuli ang isang lalaking drug pusher sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Daet MPS, PPDEU, PIU, CN 1st PMFC, at CN MARPSTA, na may koordinasyon sa PDEA ROV, bandang alas-11:45 ng gabi nitong Setyembre 10, 2024, sa P-3, Brgy. Bagasbas, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek bilang si alyas “JONEL,” 50 taong gulang, isang tindero at residente ng P-3, Brgy. Bagasbas, Daet, Camarines Norte (nakalista sa DRDIGS/Regional Level). Ayon sa ulat, nakabili ang poseur buyer mula sa suspek ng isang plastik na pakete ng hinihinalang shabu, na nagresulta sa kanyang agarang pagkakaaresto.
Nakumpiska mula sa suspek ang anim (6) na pirasong small size heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu. Kasama rin sa nakumpiska ang isang Php 500.00 bill na buy-bust money.
Ang operasyon, imbentaryo, at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng mga opisyal ng Barangay Bagasbas at isang media representative. Agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at dinala siya sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa pagsusuring medikal.
Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


Source: CNPPO PIO