Isang drug buy-bust operation ang isinagawa ng mga tauhan ng Mercedes Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU), katuwang ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit (PIU), at Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa pakikipagtulungan ng PDEA Region V. Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT DAN-NILO F. CAPILI, Acting Chief of Police, nitong Setyembre 19, 2024, bandang 9:45 ng gabi sa Purok 3, Barangay 6, Mercedes, Camarines Norte.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si alyas “Jayson” at pagkakakumpiska ng mga sumusunod na bagay: isang (1) piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, at halagang Php 476.00 (buy-bust drug), at limang (5) piraso pa ng heat-sealed plastic sachets na naglalaman din ng hinihinalang shabu at halagang Php 2,380.00 na nakuha sa pag-aari ng suspek. Narekober din ang isang Php 500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang suspek ay agad na binasahan ng kanyang mga karapatan at kasalukuyang nasa kustodiya ng nasambit na himpilam kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO