Naimbitahan ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes kasama si Governor Ricarte ‘Dong’ Padilla para dumalo sa pagpupulong ng Committee on Ways and Means sa Kongreso sa ilalim ng pamumuno ni Rep. Joey Salceda.
Ang pagpupulong ay naglalayong talakayinbang Camarines Norte Special Economic Zone Act, isa itong mahalagang inisyatibo na inihain ng Kongreso sa pakikipagtulungan ng mga kinatawan ng lalagiwan.
Ayon naman sa FB post ni Gov. Dong Padilla, aprobado na sa House Committee on Ways and Means ang nasabing house bill para sa lalawigan na naglalayong makapagbigay ng mas maraming trabaho para sa mga Camnorteño at para sa paglago ng ekonomiya ng Camarines Norte.